89
TAGALOG
Ako Ngayo'y Malapit Na
There Is a Land of Corn and Wine

1 Ako ngayo'y malapit na
Sa lupaing masagana,
Araw doo'y maligaya't
Walang munti mang sakuna.

       Koro:
O magandang lupang B'yula,
Nasasabik ako t'wina;
Buhat sa 'yo'y mamamasdan
Ang masayang halamanan,
yaong magandang tahanan,
Na sa aki'y inilaan!

2 Parati akong kaakbay
Ng dakilang Manunubos,
Siya ang aking patnubay
Sa langit ng tuwa't lugod.

3 Ang mga bulaklak doon
Ay pawang di nalalanta't
Napakabango ang simoy
Sa bayang yaong maganda.

4 Ang awit ay matatamis
At tunay na maalindog,
Ang buong hukbo ng langit
Kasama ng nangatubos.


   HOME     Go to Hymn #   Index:  Tagalog Hymn Number & Title List   Text Size:  small   medium   big   normal
Background :   1   2   3   default   White