|
TAGALOG |
I Will Sing You a Song, CH 552 |
1
Aking aawitin ang magandang bayan,
Sa kaluluwang tahanan, Doo'y walang bagyong laging gumigimbal Sa dalampasigang makinang, Panahon man ay magdaan; Doo'y walang bagyong laging gumigimbal, Panahon man ay magdaan. 2 O, ang tahanang yaon ng kaluluwa! Sa pangarap nakikita, Hanggang sa akin ngang makinikinita Ang lunsod na sakdal ganda, Ang lunsod na sakdal ganda; Hanggang sa akin ngang makinikita Ang lunsod na sakdal ganda. 3 Ang tahanan yaon na di mababago, Para sa aki't sa iyo; Si Jesus na Hari ng lahat ng tao, Taglay ang putong mo't putong ko, Taglay ang putong mo't putong ko; Si Jesus na Hari ng lahat ng tao, Taglay ang putong mo't putong ko. 4 Magiging mainam sa magandang bayan, Wala nang hirap at lumbay; May awit sa labi't may alpa sa kamay, Na tayo'y magkikitang tunay! Na tayo'y magkikitang tunay! May awit sa labi't may alpa sa kamay, Na tayo'y magkikitang tunay! |