|
TAGALOG |
O Brother, Be Faithful, SDAH 602 |
1
O kapatid ko, ikaw ay magtapat!
Si Jesus di magluluwat; Ang pagpasok sa tahanang marilag Malapit na ngang matupad. O kapatid ko, ikaw ay magtapat! Pagka't bakit titiwalag Sa nagpakita ng gayong pagliyag- Na tumubos sa 'ting lahat. 2 Ang gintong lunsod na inihahanda Sa mabuti't pinagpala, Ang pintong perlas ay naghihintay nga Sa pagpasok mong may tuwa. Kaya magtapat, kapatid na mutya! Di mananatiling aba, Ang gabi ng lungkot ay mawawala, Umaga'y matatamasa. 3 O kapatid ko, magtapat ka sana! Malapit nang bumaba S'ya, Libu-libong anghel ang abay Niya, Palmang tagumpay ay dala. Hindi tatagal, maririnig mo na Ang kay Kristong ibabadya, Aliping tapat gawa mo'y maganda, Sa 'yong Pangino'y magsaya. 4 Walang hanggang panaho'y magsaysay Ng ngayo'y 'Yong katapatan, Luha mo'y papawiin ng kat'waan, Putong sa noo'y kikinang. O magtapat ka, kapatid kong hirang! Sa tapat pangako'y tunay; Maghaharing kasama ng dalisay, Sasa kay Jesus kailanman. |