|
TAGALOG |
How Long O Lord Our Saviour |
1
Gaano pa kaluwat ang ipaghihintay
Sa Iyo Panginoon, ng Iyong pagdatal? Ang mga puso namin ay aasam-asam Sa Iyong pagkahayag sa taong kinapal! 2 Sa muli Mong pagdatal ay iilan lamang Ang mga nagtatapat sa Iyong pangalan, Madla ang nangagbalik sa kapahamakan, Kaya't ang mga handa'y kakaunting tunay. 3 Ang nangakalilimot ay Iyong gisingin Upang mangagsihanda sa Iyong pagdating; Ihanda Mong maningas mga ilaw namin, Ang pusong nananabik naman ay gayun din. |