|
PhilEd. #118 |
Mga Tanda'y Natupad Nang Lahat O'er All the Land, CH 544 |
1
Mga tanda'y natupad nang lahat
Sinasabing darating si Jesus; Kami'y nag-aantabay nang maluwat, Dumating Ka nawa aming Manunubos! Koro: Lahat ay ating balitaang Siya ay hindi na magtatagal; Tuloy ating idalanging tanan: "Jesus, h'wag magluwat sa Iyong pagdatal!" 2 Buwan, bituin, pati ng araw, Nagsasabing Siya'y malapit na, Mga bansa'y naliligaligan, Masasamang puso'y pawang nangangamba! 3 Ito'y kagalakang walang hangga, Sa nagbabalitang matiyaga, Pawang saksing napakalapit na Ang pamimitak ng araw na dakila! 4 Kaya't tayo'y masiglang gumawa, Di na tatagal darating Siya, Ang nagsisi ay hindi sasalang Papasok sa pinto't magpupuri t'wina! |