75
PhilEd. #116
Pagdating ng Pag-aani
In the Glad of the Harvest, CH 539
 

1 Pagdating ng pag-aani
At ng sanlibong taon,
Sa paghukom sa marami
Ng ating Panginoon,
Ang lahat ay tatawagan
Sa harap ng luklukan,
Ang ganti ay ibibigay
Pag ang Hari'y dumatal.

2 Ang galak ng Kanyang bayan
Ay walang makapara
Kung sila'y gantimpalaan
Sa lahat nilang dusa;
Sa pintong perlas na lantay
Papasok silang tanan
Ang buhay ay ibibigay
Pag ang Hari'y dumatal.

3 Naghirap na nangagpunla
Ng mahalagang bagay,
Upang ang iba'y mahanda
Sa pagtanggap ng buhay;
Sa langit wala nang luha
Walang nang kapanglawan
Putong natin ay kakamtan
Pag ang Hari'y dumatal.


   HOME     Go to Hymn #   Index:  Tagalog Hymn Number & Title List   Text Size:  small   medium   big   normal
Background :   1   2   3   default   White