74
TAGALOG
Kung Lahat ng Bansa'y Matipon
When Jesus Shall Gather the Nations
 

1 Kung lahat ng bansa'y matipon
Haharap sa paghuhukom,
P'ano tayo tatayo roon
Kung ilagda na ang hatol?

       Koro:
Ang trigo'y titipunin sa bangan
Nguni't ang ipa'y babayaan,
Atin ang ating kalalagyan
Kung dumating na ang araw?

2 Sa atin kaya ay sabihin:
"Kayo'y tapat na alipin,"
O sa takot at pagkalagim
Ay matatapon sa dilim?

3 Buong tuwa Niyang mamasdan
Ang bawa't may tandang taglay
Sila ay Kanyang bibihisan
Ng ganda ng kalangitan.

4 Magpuyat tayo at maghintay,
Laging ningningan ang ilaw,
Nang kung tumawag ang kakasal
Ay masalubong sa daan.


   HOME     Go to Hymn #   Index:  Tagalog Hymn Number & Title List   Text Size:  small   medium   big   normal
Background :   1   2   3   default   White