|
TAGALOG |
Called to the Feast, CH 537 |
1
Sa kasalan aanyayahan
Tayo'y uupong kasamahan Ng mga pinili't hinirang Sa huling araw. Koro: Sa pagparitong muli Ni Kristong hari Ang hangad ko't laging mithi'y Doon lumagi. 2 Siya'y ating luwalhatiin Na namatay dahil sa atin; Anong dilag nga at luningning N'ya kung dumating. 3 Kagaya ng kislap ng kidlat Sa lahat ay ipamamalas, Doon natin matatalastas Ang taong tapat. 4 Kay laking galak kung itinig Mata N'ya sa mga umibig! Kaya't pasakop nang magkamit Ng ganting nais. |