71
TAGALOG
Galak sa B'ong Sanlibutan
Joy to the World, SDAH 125

1 Galak sa b'ong sanlibutan ang Hari'y dumatal!
Langit, lupa, at kinapal, Kayo'y mag-awitan,
Kayo'y mag-awitan, Kayo, kayo'y mag-awitan!

2 Galak sa sangkatauhan na paghaharian!
Siya'y ating papurihan; Tayo'y mag-awitan,
Tayo'y mag-awitan, Tayo, tayo'y mag-awitan!

3 Kanyang pupunasing tunay mga kasalanan
Ng Kanyang mga lalang, Lahat ng nilalang,
Lahat ng nilalang, Lahat, lahat ng nilalang.

4 Kaniyang paghaharian itong sanlibutan
Ng pag-ibig at biyayang, Kakamtan ng bayan,
Kakamtan ng bayan, Kakamtan, kakamtan ng bayan.


   HOME     Go to Hymn #   Index:  Tagalog Hymn Number & Title List   Text Size:  small   medium   big   normal
Background :   1   2   3   default   White