|
TAGALOG |
We Know Not the Time When He Cometh |
1
Ang oras ng pagdating Niya
Ay di natin nalalaman, Maaari na sa umaga, Maaaring gabi naman; Sa atin ay may bilin Siyang Ayusin ang ating ilaw, Upang kung Siya'y parito na Handa tayong aabutan! Koro: Nag-aantabay, Nag-aantabay! Hanggang sa Ikaw sa lupa'y muling dumatal. 2 Ang l'walhati ng kalangitan Di Niya minahalaga Nanaog sa lupang ibabaw At dito'y kusang nagbata; Aking inaakala namang Ikaliligaya Niya Kung ako ay mag-aantabay Hanggang sa Siya'y dumatal. 3 Oh! Jesus, na Manunubos ko, Alam mong ako ay sabik Sa pag-aantabay sa Iyong Panahon ng pagbabalik! Kung mayroon mang mga taong Sa harap Mo ay aalis. Ay nagagalak naman ako Na Ikaw'y aking mamasid! |