|
PhilEd. #128 |
(Unang Himig) All Hail the Power of Jesus' Name, SDAH 229 |
1
Kay Jesus kayo'y sumamba
Buong sanlangitan, Ilabas ang diyadema, At Siya'y putungan! Ilabas ang diyadema, At Siya'y putungan! 2 Kayong lahi ni Israel Mahina't iilan, Kayo ay magsisamba rin, At Siya'y putungan! Kayo ay magsisamba rin, At Siya'y putungan rin! 3 Lahat ng tao sa lupa, Dapat ding gumalang, Sa Kanya'y mangayupapa, At Siya'y putungan! Sa Kanya'y mangayupapa, At Siya'y putungan! 4 Tayo nawa'y makasama Noong karamihan Sa Kanya'y mangayupapa, At Siya'y putungan! Sa Kanya'y mangayupapa, At Siya'y putungan! |