6
TAGALOG
Ang Kal'walhatian sa Diyos Ibigay
To God Be the Glory,  SDAH 341

1 Ang kal'walhatian sa Diyos ibigay
Siya'y gumagawa ng dakilang bagay;
Anak na isinugo na S'yang nag-alay
Ng buhay upang ang lahat ay mabuhay


       Koro:
Purihin si Jesus, Tinig Nya'y pakinggan;
Purihin si Jesus, Tayo'y magkatuwaan;
Kay Jesus ang Ama'y ating lapitan,
At ang l'walhati sa Kanya'y ibigay.

2 Pangako ng Diyos sa naniniwala,
Ay katubusang sa dugo may bisa;
Ang magsisising pinakamasama,
Patatawarin ni Kristong dakila.

3 Pawang dakila ang turo Nya't gawa,
Kay Jesus dakila ang ating tuwa;
Nguni't kung si Jesus ay Makita nga,
Ligaya nati'y higit pang dakila.


   HOME     Go to Hymn #   Index:  Tagalog Hymn Number & Title List   Text Size:  small   medium   big   normal
Background :   1   2   3   default   White