57
PhilEd. #90
Isang Bagong Kaibigan
I've Found a Friend, SDAH 186

1 Isang bagong Kaibigan ang aking natagpuan
Na sa aki'y nagmamahal bago ko naalaman;
Ako'y Kanyang tinalian ng pag-ibig na sakdal
Kaya't ako'y Kanya lamang at Siya'y aking tunay.

2 Ang bago kong Kaibigan sa aki'y nagsanggalang
Kamtan ko lamang ang buhay Kanya ang inialay;
Kaya't ngayo'y Kanya lamang lahat kong kinakamtan,
Buhay, lakas, kayaman, magpahanggang libingan.

3 Ang bago kong Kaibigan ay may kapangyarihang
Sa akin ay pumatnubay hanggang sa kalangitan;
Sa l'walhating mamasdan sigla ang kinakamtan,
Sa pag-gawa't pagpapagal hanggang ako'y may buhay.

4 Ang bago kong Kaibigan ay maawaing tunay
Matalinong taga-akay malakas magsanggalang;
Sinong sa aki'y hahadlang na Siya'y paglingkuran?
Ang yaman ba? Sanlibutan? Hinid rin tutulutan!


   HOME     Go to Hymn #   Index:  Tagalog Hymn Number & Title List   Text Size:  small   medium   big   normal
Background :   1   2   3   default   White