52
TAGALOG
Pag Sumilang na ang Pag-ibig
When Love Shines In
 

1 Pag sumilang na ang pag-ibig sa buhay
Ang hirap, ang lungkot at sakit, wawalay
Kung tayo ay may hapis ay mapapawing pilit
Pag sumilang sa langit ang pag-ibig.

       Koro:
Oh! Pagibig, oh! Pag-ibig!
Ang puso ko ay aawit ng pag-ibig,
Oh! Pag-ibig, oh! Pag-ibig!
Ang lahat ay magsi-awit ng pag-ibig!

2 Sa pag-ibig ang sanlibuta'y gaganda,
Sisipag sa katungkulan ang kalul'wa,
Matatamo'y tagumpay, puso'y masasayahan
Lul'wahati ang buhay sa pag-ibig!

3 Ang luha at kapighatia'y lilipas
Makakaya ang mga pasang mabigat,
Ang kaluwalhatian nama'y magliliwanag
Ang puso'y aapawan ng pag-ibig.

4 Di na mapaparam sa lupa ang kisig,
Ang pagmamahalan sa diwa'y hihigpit,
Kung kamtan ang tagumpay at sa langit mamuhay
Doon ang tanging araw ay pag-ibig.


   HOME     Go to Hymn #   Index:  Tagalog Hymn Number & Title List   Text Size:  small   medium   big   normal
Background :   1   2   3   default   White