|
TAGALOG |
In The Hour of Trial, SDAH 491 |
1
Sa oras na ako Ay sinusubok,
Ako'y pamanhik, mahal kong Jesus; Huwag Mong tulutang magkuli't malugmok, Ni ikaila Ka't lumayong lubos. 2 Ang bawal na layaw dito sa lupa, O ang imbing yamang pumipinsala. Huwag Mong tulutang sa 'ki'y magkabisa; Ang krus ng Kalbaryo'y ipagunita. 3 Kung hirap at lungkot ako'y pahatdan, O ang dusa't kirot ako'y akbayan, H'wag Mong ipalimot ikaw'y aking masdan; At sa 'Yo'y ilagak: kabalisahan. |