|
TAGALOG |
The Heart That Was Broken for Me |
1
Ang Panginoo'y nanaog sa lupa
Taglay ang sugo ng awa, Subali't Siya'y inamis, inaba At inapi at kinutya. Koro: Pinahirapan, hinampas inuyam Pinakuan sa paa't kamay Nguni't ang masaklap, mahapdi sa lahat Ay ang nasa pusong sugat. 2 Kanyang hinahanap sa sariling Kanyang Nangaliligaw na tupa, Nguni't ang tawag at anyaya Niya Di nila inalumana. 3 Siya ay hindi ko maitatakwil Puso ko'y di makaamin, Dudulog ako't sa Kanya'y hihingin Ang sala ko'y patatawarin. 4 Huling Koro: Dadalhin ang krus at ako'y susunod Sa tinuntong daan ni Jesus At ang paglilingkod ng puso ko't loob Aking gagawin nang lubos. |