452
 
Di na Lubhang Magtatagal
Not Now, But In The Coming Years, CH 495

1 Di na lubhang magtatagal
Ang lahat ng kahulugan
Ng pagluha't kalumbayan
Ay atin nang malalaman.

       Koro:
Kaya nga't sa Panginoon
Magtapat nang buong tapang,
Daan ma'y madilim ngayon,
Bukas, maliliwanagan.

2 Ang gawa nating natigil
Doo'y ating tatapusin,
Lahat ng hiwaga sa 'tin
Doon ay ipalilining.

3 Kung bakit ang kadiliman
Sa liwanag humahalang,
At ang tuwa'y pumapanaw,
Doon ating malalaman.

4 Kung bakit ang ating nais
Malimit na ipagkait
At ayaw na ipakamit
Doon ating mababatid.

5 Alam ng Diyos ating daan;
Tiyak ang kanyang patnubay,
Bawat luhang naranasan
Doon ating malalaman.


   HOME     Go to Hymn #   Index:  Tagalog Hymn Number & Title List   Text Size:  small   medium   big   normal
Background :   1   2   3   default   White