448
 
Kung May Pag-ibig
Love at Home, SDAH 652

1 Maganda ang paligid, kung may pag-ibig,
Masaya bawat ingay, kung may pag-ibig,
Kapayapaa'y taglay may ngiti ng tagumpay;
Panaho'y lumilipas kung may pag-ibig.

       Koro:
Pag-ibig, pag-ibig;
Ang tahana'y payapa;
Kung may pag-ibig.

2 Langit ay nakatunghay, kung may pag-ibig;
Mundo ay laging tunay, kung may pag-ibig,
Batis ay lumilinaw pagpapala ang taglay;
May ngiti ang Pangino'n kung may pag-ibig.

3 Ako ay pagpalain, Pangino'n giliw;
Magtitiwalang lubos kung may pag-ibig,
Ako'y iyong ingatan h'wag akong pabayaan;
Sa biyaya mong taglay kung may pag-ibig.


   HOME     Go to Hymn #   Index:  Tagalog Hymn Number & Title List   Text Size:  small   medium   big   normal
Background :   1   2   3   default   White