44
(Ikalawang Himig)

TAGALOG
Ang Krus na Pinagpakuan
When I Survey the Wondrous Cross, SDAH 155

1 Ang krus na pinagpakuan
Kay Jesus kung maninilay,
Nawawalang kabuluhan
Ang yaman ko't kataasan.

2 Sa Kanyang dugong natigis
Nabuhos din ang pag-ibig;
Ang Kanyang koronang tinik
Saksi ng pagsintang labis.

3 Akong aba na tinubos
At inilayo sa lunos
H'wag nawang itulot ng Diyos
Na ikahiya ko ang krus.

4 Akin man ang sanlibutan
At sa Kanya ko ibigay,
Di ko rin maipapantay
Sa pag-ibig Niyang alay.


   HOME     Go to Hymn #   Index:  Tagalog Hymn Number & Title List   Text Size:  small   medium   big   normal
Background :   1   2   3   default   White