|
(Unang Himig) TAGALOG |
When I Survey the Wondrous Cross, SDAH 154 |
1
Ang krus na pinagpakuan
Kay Jesus kung maninilay, Nawawalang kabuluhan Ang yaman ko't kataasan. 2 Sa Kanyang dugong natigis Nabuhos din ang pag-ibig; Ang Kanyang koronang tinik Saksi ng pagsintang labis. 3 Akong aba na tinubos At inilayo sa lunos H'wag nawang itulot ng Diyos Na ikahiya ko ang krus. 4 Akin man ang sanlibutan At sa Kanya ko ibigay, Di ko rin maipapantay Sa pag-ibig Niyang alay. |