398
 
Ngayo'y Iniisip ang Magandang Lugar
I Am Thinking Today Of That Beautiful Land, CH 626

1 Ngayo'y iniisip ang magandang lugar
Na sasapitin ko ngang tunay;
Ang putong ko kaya'y may bituing taglay
Kung ako roon ay dumatal?

       Koro:
Magkabituin kaya sa aking putong
Paglubog ng araw sa hapon?
Sa lugar ng pahingahan kung bumangon
Magkabituin kaya roon?

2 Sa lakas N'ya ako'y bayaang gumawa
Tumawag, magpuyat, humanda,
Nang magkabituin ako nang sagana
Sa araw na yaong dakila.

3 Kung ipanagumpay ko ang kaluluwa
Tuwa ko'y walang makapara,
Ang putong na tala sa araw ng saya
Ay igagawad ng Diyos Ama.


   HOME     Go to Hymn #   Index:  Tagalog Hymn Number & Title List   Text Size:  small   medium   big   normal
Background :   1   2   3   default   White