39
PhilEd. #78
May Nagkusang Nag-alay
There Was One Who Was Willing, CH 123

1 May nagkusang nag-alay ng buhay Niya
Nang ang gaya ko ay maligtas,
At ang hirap sa krus timtimang binata
Nang sa sala ako'y mahugas.

       Koro:
Nangapako sa krus sala kong impok
Kusang-loob Niyang dinala!
Pag-ibig ni Jesus nahayag na lubos
Sa pag-ako Niya sa sala!

2 Siya ay matiyaga at matiisin
Nang ako'y nililinis Niya,
Lahat ng sala ko'y sa krus ibinitin
Kaya't ako nama'y ligtas na.

3 Si Jesus ay hindi ko hihiwalayan,
Sa paglakad ko'y namamalas;
May awit ang pusong sa bibig taglay
Na ang sala ko ay nahugas.


   HOME     Go to Hymn #   Index:  Tagalog Hymn Number & Title List   Text Size:  small   medium   big   normal
Background :   1   2   3   default   White