37
PhilEd. #58
Ang Unang Noel
The First Noel, SDAH 118

1 Ang unang Noel ay inihimig
Ng anghel sa mga pastol sa bukid;
Do'y iningatan mga tupang ibig,
Isang gabi noon na tahimik.

       Koro:
Noel, Noel, Noel, Noel,
Sumilang Hari ng Israel.

2 Tumingala sila't namasdan
Ang isang tala sa silangan
At sa lupa ay tumanglaw
At ito'y nagpatuloy gabi't araw.

3 Sa liwanag ng tala ring iyon
Tatlong pantas ang dumating doon;
Isang hari ang kanilang layon,
At sundan ang tala sa'n man humantong.

4 Tala'y napasahilagang kanluran,
Sumaibabaw ng Bethlehem na bayan,
At ang dakong kinalalagyan
Ni Jesus ay siyang tinapatan.

5 Ang tatlong pantas ay nagsipasok,
Buong galang silang nanikluhod,
At sa harap Niya ay nangaghandog
Ng ginto, mira't insensong pansuob.


   HOME     Go to Hymn #   Index:  Tagalog Hymn Number & Title List   Text Size:  small   medium   big   normal
Background :   1   2   3   default   White