|
PhilEd. #4 |
The Lord in Zion Reigneth, SDAH 7 |
1
Ang pangino'n sa Siyon Ay naghahari na;
Buong lupa ay magsaya't Lumapit sa Kanya; At do'y aalingawngaw Kapurihan Niya, Sa Kanya ang mga hari L'walhati ang dala. 2 Ang pangino'n sa Siyon Naghaharing ganap; Lalim ng lupa at dagat Siya ang may hawak; Ngalan N'ya'y parangalan, Bandila'y itaas, Hanggang malalayong pulo sa Kanya'y maligtas. 3 Ang Pangino'n sa Siyon Naghahari ngayon; Pasukin ang Kanyang templo't Galak na magtipon; Sa lilim ng bandila N'ya, Lahat ay paampon, Sa Hari ng lupa't langit, Igawad ang putong. |