269
TAGALOG
Dinggin! Ang Tawag ni Jesus
Hark! The Voice of Jesus Calling,   SDAH 359

1 Dinggin! ang tawag ni Jesus,
"Sinong ngayo'y hahayo?
Bukira'y hinog nang lubos,
Gagapas nga ay sino?"
Tumatawag S'yang mataos,
Gantimpala'y sasa'yo;
Sinong masayang sasagot,
"Jesus, suguin ako"?

2 Kung di ka makakatawid
Sa ibayo ng dagat,
May nangasa malalapit,
Matutulungang kagyat;
Kung di ka makasasambit
Ng sa anghel na bigkas,
Kay Jesus namang pag-ibig,
Iyong maitatanyag.

3 Kung hindi ka maaari
Na maging isang bantay,
Na ang handog nga at mithi:
Kapayapaa't buhay;
Ang sa Langit namang hingi
Magagawang tiwasay,
Magsa-Aaron kang lagi,
Hawak propetang kamay.

4 Habang nangagsisiyao
Kaluluwa ng tao,
H'wag sanang marinig sa'yo,
"Walang magagawa ako!"
May tuwang tupding totoo
Tungkuling bigay sa'yo;
Pagtawag N'ya'y tugunin mo,
"Jesus, suguin ako."


   HOME     Go to Hymn #   Index:  Tagalog Hymn Number & Title List   Text Size:  small   medium   big   normal
Background :   1   2   3   default   White