|
PhilEd. #50 |
O Worship the King, SDAH 83 |
1
Hari'y sambahin, O buong langit,
Inyong awitin kanyang pag-ibig; Matanda sa araw, ating sanggalang, Maningning at lipos ng kapurihan. 2 Ang lakas Niya'y inyong saysayin, Kanyang biyaya'y inyong awitin; Balabal Niya ay kaliwanagan, Ang pabilyon Niya ay kalawakan. 3 Ano ang maglalahad na dila Ng pangangalaga Mong sagana? Ito'y nasa hangi't nasa liwanag; Nasa hamog, ulan, burol, lupang patag. 4 Sa Iyo'y ipinagtitiwala Ang alabok, mahihinang bata; Magiliw, matibay, 'Yong kaawaan! Aming Manunubos, Sanggalang, Kaibigan! |