25
PhilEd. #38
Tulad sa Ama Kung Tumingin
Like as a Father, CH 66

1 Tulad sa ama kung tumingin
Sa isang anak na nagtataksil,
Anumang sama, anumang itim
Ang ating sala ay lilinisin.

2 Tulad sa ama kung tumanggap
Sa alibughang lumayong anak,
Ang dibdib niya'y palaging bukas
Ang kanyang kamay ay nakaunat.

3 Tulad sa ama kung dumamay
Sa kanyang anak na minamahal,
Binabantayan kung naliligaw
At inaakay sa wastong daan.

4 Tulad sa ama kung mahabag
Sa anak niyang napalilingap,
Puso'y malambot sa tumatawag
Di nagmamaliw hanggang sa wakas.


   HOME     Go to Hymn #   Index:  Tagalog Hymn Number & Title List   Text Size:  small   medium   big   normal
Background :   1   2   3   default   White