|
TAGALOG |
Sowing in the Morning, SDAH 369 |
1
Ihasik ang binhi ng magandang buhay,
Maging sa umaga o tanghali man, At ang pag-aani kapag dumatal, Kakamtin ang ating pinagpaguran. Koro: Ang ating binhi ay magbubunga, Aanihin nating walang pagsala; Ang ating puso ay liligaya, Ang pinagpaguran kung makita na. 2 Ihasik ang binhi at h'wag katakutan Ang lamig ng ula't init ng araw, Aanihin natin pagsapit ng araw Ang bunga ng ating pinagpagalan. 3 Ang binhi ni Kristong sa ati'y iniwan Ihasik din kahit may kahirapan, Ang pagod at luha kung mangakaraan Ang bungang kasunod ay katuwaan. |