|
TAGALOG |
Jesus Is All the World to Me, SDAH 185 |
1
Si Jesus ang aking bantay Na di napapagal,
Ako'y Kanyang minamahal, Itinatangkal; Sa laot ng dusa't lumbay Matiyagang inaakay, Daramayan, hindi ako iiwan. 2 Si Jesus ang aking buhay, Aking kalakasan, Binibigyang kasiglahan Ang lupang katawan; Kung ako'y nanlulupaypay; Nanghihina, nangangalay. 3 Si Jesus ang kaibigan, Pastor, aliw, ilaw, Kung S'ya'y wala, kasawian Ang kasasapitan; Kung ako ay namamanglaw, Nahahapis at luhaan, Aaliwin, hindi ako iiwan. 4 Si Jesus ang aking tanglaw Sa lahat kong araw, Ang daan kong nilalakbay Nililiwanagan; Ang dilim ng kamatayan Hinahawi, pinaparam, Iilawan, hindi ako iiwan. |