139
TAGALOG
Si Jesus ang Bato Natin
A Shelter in the Time of Storm,  SDAH 528

1 Si Jesus ang bato nating
Sadyang kanlungan sa bagyo;
Kahit ano'y dadaigin
Sadyang kanlungan sa bagyo.

       Koro:
Lilim ka      sa kainitan
       Lilim ka
Ng nagla-      lakbay na tao
       Ng nagla
Muog kang      napakatibay
       Muog kang
Sadyang kanlungan sa bagyo.

2 Saklolo ko gabi't araw,
Sadyang kanlungan sa bagyo;
Walang takot sa anuman
Sadyang kanlungan sa bagyo.

3 Dagsaan man ng bagabag
Sadyang kanlungan sa bagyo;
Sa Diyos ako'y mapanatag
Sadyang kanlungan sa bagyo.

4 Banal na Batong taguan
Sadyang kanlungan sa bagyo;
Kami tuwina'y akbayan
Sadyang kanlungan sa bagyo.


   HOME     Go to Hymn #   Index:  Tagalog Hymn Number & Title List   Text Size:  small   medium   big   normal
Background :   1   2   3   default   White