|
TAGALOG |
Lord, I'm Coming Home, SDAH 296 |
1
Akong napalayo sa Diyos
Ay nagbabalik; Sa sama'y tumatalikod, At nagbabalik. Koro: Ako'y nagbabalik, di na aalis; Buksan ang Iyong dibdib Sa nagbabalik! 2 Akong sa sala'y nagtagal, Mahal kong Ama, Ngayo'y nagsisising tunay, Nagbabalik na. 3 Nililisan ko na ngayon Ang aking sala, At sa Iyo, Panginoo'y Nagbabalik na. 4 Ang kamatayan ni Kristo'y S'ya kong pag-asa, At ngayon sa kandili Mo'y Nagbabalik na. 5 Sa dugo Niyang natigis Dadalhin ko na Ang kasalanan ko't dungis, At babalik na. |