10
PhilEd. #136
L'walhatiin si Jesus
Praise Him! Praise Him!,  SDAH 249

1 L'walhatiin si Jesus na Manunubos!
Awitin ang Kaniyang pag-ibig,
Mga anghel ay nangagpupiring lubos
Puri't galang sa ngalang marikit;
Matiyagang iingatan ka Niya,
Kakalungin habang nabubuhay;

       Koro:
Ipahayag ang kadakilaan Niya,
Sa awit ay galak na isaysay!

2 L'walhatiin si Jesus na Manunubos!
Hirap, sakit, Kaniyang tiniis;
Namatay at ang dugo ay ibinuhos
At sa sala tayo ay binihis;
Ang nasasalingang bato'y si Jesus
Ng pag-asa at kaligtasan;

3 L'walhatiin si Jesus na Manunubos
Purihin Siya nang buong dangal,
Ang propeta, hari't saserdote ng Diyos
Maghaharing walang kawakasan;
Paririto sa ikaliligaya
Ng lahat ng nagsipanagumpay;


   HOME     Go to Hymn #   Index:  Tagalog Hymn Number & Title List   Text Size:  small   medium   big   normal
Background :   1   2   3   default   White