1
PhilEd. #48
Sa Harapan ng Luklukan
Before Jehovah's Awful Throne,  SDAH 82

1 Sa harapan ng luklukan
Ni Jehobang Manlalalang,
Magsiyukod, mga bayan,
Siya ay Diyos, Siya lamang.

2 Sa kanyang kapangyarihan
Putik tayong inanyuan;
Nang sa daan ay maligaw,
Ibinalik N'ya sa kawan.

3 Ang pintuan doon sa langit,
Lilipusin ng pag-awit;
Itong lupa na nawaglit,
Magpupuring may pag-ibig.

4 Kasinlawak nitong mundo
Utos ng Diyos na totoo;
Sintibay ng isang bato
Katotohanan ni Kristo.


   HOME     Go to Hymn #   Index:  Tagalog Hymn Number & Title List   Text Size:  small   medium   big   normal
Background :   1   2   3   default   White